Life is so… whatever.

Randomities

with 5 comments

I am not thinking chronologically today. Random order lang talaga. Cut because… wala lang, not really worth reading, just me trying to make sense of stuff. BABALA: Sobrang gulo nitong post na to. Good luck sa mga magpupumilit paring magbasa. Ang makakatapos ay makakatanggap ng… masigabong palakpakan, haha. :P

~I was supposed to attend the GA today (especially since I haven’t gone to the tambayan in forever) but… stupid strike. Kinailangan umuwi agad. Dapat kasi suspended na bago kami pumasok eh. Pahirapan tuloy sa pag-uwi.

~Hindi rin ako nakapunta kagabi dahil mahirap na kumuha ng sasakyan pauwi dito samin after 8pm, as I have discovered when I attended the videoke FA.

~Treated my sister to ChocoKiss (yaman ba? Nako, naubos na ang nalalabi kong stipends para dun! Hahaha) and isaw on her birthday. Kumbaga ang theme ng birthday nya ay “The UP Experience” hahaha. Kasama pa si Cam (sa ChocoKiss lang) dahil “fan’s day” daw yun at sa wakas nagkita na din sila ng idol nyang si Baby Bear hahaha. Also my sister went on a mini book shopping spree sa UP Press booth in front of AS. Dapat para sakin yung libro ngunit ayaw nya dahil parati akong nagpapalibre, so we reached a compromise na technically kanya yung libro, which just basically means that the books go on her shelf and I have to make paalam when I read it instead of the other way around, haha. After foodtripping we went shopping sa TriNoma (pero hindi ko na treat to, KKB na haha). Pictures later na kasi tinatamad pa ko. Sa bakasyon pramis todo multiply and blog update ito.

~Medyo nababagabag parin ako sa mga stuff (kaya din siguro hindi ako masyadong tumatambay, although hindi naman org-related ang mga bagay na to. Idagdag mo pa na last week never ako umuwi ng may araw pa, so this week medyo… lie-low muna ko.). Hay. Been writing so much over the past few days, because I don’t know why but I just have a compulsion to write pag marami akong iniisip. Maraming fiction, non-fiction masquerading as fiction, letters that I won’t send naman, random ideas, lists, quotes, thoughts, laments, at kung ano-ano pa. Kung alam nyo lang kung gaano karami nang notebook at pad paper ang nasa ilalim ng kama ko na naglalaman ng mga ganyan…

~Nadecide ko na.. na.. pag nabigyan lang ako ng limpak-limpak (ok, OA naman yun, pero basta, enough for shopping for random stuff) na pera this Christmas (plus mga naipon ko from allowance), saka lang ako bibili ng planner.  Otherwise, sa iba ko na lang ilalaan ang pera. Hindi ako kukuha sa stipends ko. Pramis. (Dahil wala na kong stipends hahaha.)

~I recited in Eng11 today! Sorry na, hindi talaga ako mahilig magrecite eh. Ewan ko ba. Masyado ata mababa ang self-esteem ko pagdating sa recitation eh.. Yung tipong may sagot naman ako sa tanong nung prof pero natatakot ako na baka maling interpretation pala yun ng kwento. Pero kadalasan naman tama yung naisip ko, sinayang ko lang ang pagkakataon. So resolution ko na for next year sa Eng11, magiging annoying classmate na ko (term from Kuya JM). Haha joke. Active lang sa class.

~Volunteered for boardwork in Math53 for the first time today! Kasi naman natakot talaga ako magrecite dahil nung graded boardwork kasi super nangpapahiya yuung prof ko. Lalo tuloy bumaba ang self-esteem ko sa pagrerecite. Ngunit kanina, matapos umarangkada nina JanMikes, Chenny at Jar sa boardwork ay sumunod na rin kami ni Andy. Buti tama naman kung hinde, pahiya ako. Pero yun ay matapos na i-compare ko muna kina Andy at Jar ang mga sagot ko. Oo, takot talaga ako magkamali sa Math53 sobra. Pero dahil nakasagot ako ng tama kaya ako actually nainspire magrecite sa Eng11. Kung kaya ko sa Math53 with my super masungit prof, edi lalo naman sa Eng11 with my super bait prof. Plus, naaawa na ko kay Sir Flores dahil kahit super funny nya, super NR ng classmates ko aside from a few na parating nagrerecite. Kaya ayun nagrecite na din ako. (Ok sabi sa inyo hindi ako chronological mag-isip ngayon eh. Nauna pa yung bullet ng Eng11 eh nauna yung Math53.)

~Nakalimutan kong immeet ko pala kanina si Sir Nathan para kunin ang regalo nya para sa nabunot nya sa Kris Kringle. Kung hindi nya pa ko tinext kung asan na daw ba ko, baka nakauwi na ko hahaha. Kakahiya. Sorry na. :P

~Hindi parin nakakakuha ng Starbucks planner si Cam dahil super late ng kapatid ko nung Tuesday. Ililibre nya pa naman sana si idol nya as a birthday gift. Ngunit late na kami sa double-sticker time, so wag na lang. Sorry na Cam. Libre ko naman yung last mo diba. (Nako napagastos tuloy ako!)

~Dadating na ang balikbayans sa Saturday. Nako, dudugo nanaman ang ilong ko sa kaka-English!

~Oblation run bukas, ngunit may CS12 ako! OH NOES! Well as if naman may mapapala ako mag napanood ko yun, but haller loser naman ako dahil lahat ng friends ko makakapanood, ako lang hinde. Haha.

~Super ganda nung isang book na binili ni Zelle sa UP Press.. Yung Bagets.. Isa syang collection ng young adult short stories, at friends, makakarelate talaga kayo. Plus dahil sa isang story dun, na-inspire ako lalong magpaka-artsy fartsy with my camera. Haha as if naman.

~Dagdag pa pala sa wishlist ko: BOOKSHELF! Wala lang, talagang nag-ooverflow na ang mga libro ko dito.

~Happy birthday sa isa sa aking karamay sa misadventures, ang nag-iisang THE BenLo. Oo, kasama yung THE.

~Happy birthday bukas kay Cheni!

Advertisements

Written by eeeek

December 13, 2007 at 8:30 pm

5 Responses

Subscribe to comments with RSS.

  1. don’t worry! di rin naman ako makakapanood eh.. at hindi ko pa rin sure kung good thing ba yun o bad thing or nothing…

    fatima

    December 13, 2007 at 9:21 pm

  2. hahahaha!
    HINDI AKO ANNOYING CLASSMATE!!!
    ehehhehe

    manood ka ng oblation run,
    ,ay wish ka daw pag nakumpleto mo yan
    hhehehe

    punta ka CHRISTMAS party 19-20 ha

    JM

    December 13, 2007 at 10:15 pm

  3. Hindi ko naman sinabing annoying classmate ka, sabi ko lang sayo ko napulot ung term. Defensive! :P

    Ay talaga? Iwwish ko na sana never akong magkaroon ng friend na taga-APO dahil ang awkward naman nun hahaha.

    Eh… titingnan ko pa… Bat 19-20?? Pano na lantern parade???? (Saka ehh.. di ko pa sure kung pwede ako sa 20. Medyo hawak ng nanay ko ang sked ko dahil sa balikbayans eh.)

    eeeek

    December 13, 2007 at 10:19 pm

  4. salamat sa pagbati. hindi mo naman ako binigyan ng party. aww :(( =))

    anonymous

    December 15, 2007 at 1:25 pm

  5. Eh… sino ka, si Ben o si Cheni??

    eeeek

    December 15, 2007 at 4:38 pm


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: